Monday, October 25, 2010

Barangay Elections 2010: Repleksyon ng Bulok na Sistemang Pulitikal sa Pilipinas

Mga eksena BAGO at SA MISMONG ARAW ng ELEKSYON:

Mga kandidato para sa pwesto sa Sangguniang Kabataan/SK, nagpa-swimming, namigay ng freebies at nagpakain (bawal lahat).

Sangkatutak na supporter ng mga kandidato namigay ng leaflets mga ilang metro sa presintong botohan (bawal na naman).

Mga kandidato nagdikit sa puno at sa iba pang mga lugar na di pwedeng pagdikitan...Yung ibang tarpaulin, superlaki (bawal din).

Ang mga tumatakbo sa SK at Sangguniang Barangay, magkakamag-anak. Yung ibang tumatakbo sa SK at Sangguniang Barangay, kamag-anak din ng mga congressman, gobernador atbp.

Bulok! Bulok! Bulok!

Sa ibang barangay, 10 ang kandidato sa pagiging kapitan! {MAGKANO kaya ang pinag-aagawan nila?}

No comments:

Post a Comment