Saturday, October 23, 2010

TINIG
(isang TULARAWAN ni David Michael M. San Juan; ang larawan ay kuha sa 2010 Lakbayan ng Mamamayan Para sa Tunay na Reporma sa Lupa; ang mga bata sa larawan ay umawit ng awiting handog sa mga magsasaka)

Munti
ngunit
masikhay.
...
May lumbay
ngunit nakangiting nananalig
sa pangako ng maalwang bukas.

Minsa'y nabibigo
ngunit di sumusuko
'pagkat batid
na bawat titik
na sambitin,
bawat milyang lakarin,
bawat hagupit na indahin
ay malaking igpaw
sa tagumpay, balang araw,
ng adhikang dakila.

{Pagpupugay sa mga magsasaka at mamamayang nakikibaka, lalo na sa mga bata at kabataang pag-asa ng bayan!}

No comments:

Post a Comment