Isa sa mga dati kong estudyante sa Colegio San Agustin-Makati si Reuben Guevara.
Ngayon ay 20-10-2010. (October 20, 2010).
Nagsimula ang lahat sa biruan, nauwi sa seryosong usapan.
Itong si Reuben, pinilit akong gumawa ng blog. Umoo ako pero siya ang pinagawa ko ng account.
KANIN dapat pero naunahan kami roon kaya BROWNKANIN na lang.
Brownkanin dahil mas madalas ay Taglish o Enggalog ang lenggwaheng gagamitin namin para madali n'yo kaming maintindihan.
BROWN kasi majority sa mga Pinoy ay brown ang balat.
BROWN dahil brown din ang kulay ng lupa.
KANIN dahil staple food ito ng mga Pinoy.
Ano ang lalamnin ng blog na ito?
Halu-halo...
Initially, kasabwat namin sina Lorenzo Ortiz, Carlo Cielo, Jason Ongsip at Erwin Escalante.
Walang ibang nagbubuklod sa amin kundi ang ideya na dapat basagin na ang kabobohan at kababawan sa internet...
We feel that the net, specifically the blogosphere has become so moronic...We can no longer tolerate its stupidity.
Hindi kami mga genius. Basta gusto lang naming magsulat.
Marami kaming pinag-aawayang isyu at gusto naming makiaway na rin kayo...
So, sari-saring ideya ang makukuha rito.
Wag kayong magtaka kung sa isang araw e magkaroon ng mga post na magkasalungat ang pahayag.
That's precisely what we want...discussion of things usually swept under the rug.
Sawa na kami sa usapang Charice Pempengco at Manny Pacquiao sa Pilipinas.
Feeling intellectual kami, kahit hindi naman.
Well, you be the judge...
At the very least, we will try to make you think differently...
Enjoy the superspontaneous blog.
KAIN NA!
Siyanga pala...Mayabang kami...Ito na ang simula ng Second Propaganda Movement...Ano yun? Well, dapat alam mo ang First Propaganda Movement...
ReplyDeletePahabol na intro mula kay Reuben Guevara: THE PURPOSE OF THIS BLOG IS NOT ONLY TO INCREASE AWARENESS FOR THE FILIPINO PEOPLE, THE YOUTH IN PARTICULAR, BUT ALSO TO CREATE DISCUSSION ABOUT THE THINGS HAPPENING AROUND THE COUNTRY
ReplyDelete